Nakasagasang driver sa Mandaluyong, tinanggalan ng lisensya ng LTO

Tinanggalan ng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng SUV na sangkot sa viral na ‘hit and run’ incident sa Mandaluyong.

Nakilala ng LTO ang may-ari ng Toyota RAV4 na may plakang NCO 3781 na si Jose Antonio San Vicente.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ayon sa naturang tanggapan, liable si San Vicente sa reckless driving kung saan na-violate niya ang Republic Act No. 4136 Section 55 ng Land Transportation and Traffic Code.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, napag-alaman na bukod sa nasabing insidente ay sangkot din umano ang driver sa reckless imprudence. (ARGIE ERGINA)