SSS, GSIS, maari pa ring magbigay ng pondo para sa Maharlika fund, pero…

Nilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maari pa namang mag-ambag ang Government Service Insurance System at ang Social Security System, na una nang tinanggal bilang funding sources para sa Mahalika Wealth Fund.

Ayon kay Diokno, maaring magbigay ang dalawang ahensya ng pondo kung gusto nila ng mas malaking returns, pero depende parin sa approval ng kani-kanilang boards.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang sovereign wealth fund, na una nang pumalo sa inisyal na halagang P250 billion, ay kukuha ng pondo mula sa ibang financial institutions ng gobyerno.

Dagdag nito, na ang initial capitalization ay manggagaling sa Landbank of the Philippines at sa Development Bank of the Philippines na tig-P50 billion kada isa.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sa unang dalawang taon matapos itong maisabatas, mag-aambag naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 100 percent ng kanilang ideneklarang dividends. //MHEL PACIA