DOH, naglabas ng testing at reporting guidelines para sa self-administered antigen kits

Inilabas na ng Department of Health ang mga panuntunan hinggil sa pag-gamit ng COVID-19 test kits sa bahay.

Ayon sa Department of Health, ang self-administered antigen tests ay para lang sa mga may sintomas sa loob ng pitong araw mula sa pagsisimula nito, kung hindi available ang RT-PCR.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Giit ng ahensya, ang test ay hindi ideal para sa mga close contacts o sa mga walang sintomas.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dagdag ng DOH, ang mga positive antigen test result, basta’t maayos naman na na-administer, ay kailangang ireport sa barangay health officials.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga nagpositibo sa naturang test na agad itong mag-isolate, at ipaalam sa close contacts na sumailalim rin sa quarantine.