Nagpaabot na ng pag-alma ang Department of Foreign Affairs sa China kasunod ng pagbangga ng barko nito sa BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.
Pagtitiyak ng DFA, na patuloy na sinusuportahan ang sandahang lakas ng Philippine Coast Guard sa lahat ng hakbang nito sa West Philippine Sea.

Pinag-aaralan na rin ang mungkahi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na idulog sa Arbitral Tribunal ang lahat ng pangha-harrass ng China.
Samantala, nandigan ang Pilipinas na mananatili sa Escoda shoal ang BRP Teresa Magbanua.
Ito ay kahit binangga at napapalibutan ng mga malalaking barko ng China.