DOH, nagbabala kaugnay sa pagbebenta ng gamot para sa diabetes

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa kumakalat na fake news na sinusuportahan raw ng ahensya ang isang gamot para sa diabetes.

Ayon sa DOH, fabricated ang mga post, at naglalayong magpakalat ng maling impormasyon.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Pinakita rin dito ang mga taong may dala-dalang placards na may nakalagay na pasasalamat sa DOH at UP-PGH para aprubhanan umano’y ang “official sale” ng produkto.

Nagmula ang post sa isang Facebook page na “Journey to get rid of diabetes,” kung saan dinawit nito si Health Secretary Teodoro Herbosa at ang University of the Philippines-Philippine General Hospital.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa huli, nagpaalala ang ahensya na suriing mabuti ang mga nakikitang post sa social media at magtiwala lamang sa mga impormasyong galing sa legitimate souces.