DOH mas gusto pa rin ang voluntary COVID- 19 vaccination para hindi malabag ang karapatang pantao

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas nais pa rin nitong maging voluntary ang COVID- 19 vaccination kaysa mandatory upang walang malabag na karapatang pantao.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operation Center (NVOC) Incident Commander Dr. Nestor Santiago sa ambush interview ng media nang bumisita ito sa lalawigan ng Camarines Norte para pangunahan ang Provincial Launching ng Bakunahang Bayan nitong Lunes, December 5.

Ayon kay Santiago kailangan lang na mas paigtingin pa ang education at advocacy campaign para maunawaan ng taong bayan ang kahalagahan ng bakuna.

“Meron naman talaga tayong polisiya on that, pero voluntary hindi siya mandatory so we are still, gusto pa rin natin yung voluntary kaya lang kailangan lang natin siguro i- increase yung education and advocacy na magpabakuna sila para wala namang violation ng ano,ng human rights,” ani Santiago.

Aminado si Santiago na mataas pa rin ang vaccine hesitancy at kampante na rin daw lalo na ang senior citizen sa kanilang natanggap na unang dose ng bakuna.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Paliwanag ng opisyal na ang focus naman talaga ng ginagawa ngayong bakunahang bayan ay mabakunahan ang 90 percent ng mga senior citizen at makatanggap sila ng kahit man lang dalawang dose.

“Ang gusto lang natin sa senior citizen dalawang doses lang muna, yung primary series na tinatawag so kailangan yung mga senior citizen maka- dalawa man lang kasi sila yung very high risk na magkakaroon COVID, and pag nagkaroon na naman sila ng COVID pwede silang ma- ospital so yun yung gusto nating maiwasan.”

Bukod dito target rin ng ahensiya na maabot ang 50 percent ng eligible population na mabakunahan ng booster shot.

Nilinaw din nito na hindi magtatapos sa tatlong araw ang bakunahan dahil magtutuloy- tuloy aniya ito.

Mababatid na itinakda ang National Vaccination Days mula December 5 hanggang 7.

“Parang special day ito para mabigyan natin ng focus yung 5- 11 years old and 12 pataas, pero ang tinatarget natin kailangan ma- reach natin yung 90 percent ng mga senior na ma receive nila yung primary series ibig sabihin dalawang doses yung mga senior kailangan 90 percent, dito naman sa booster kailangan ma- reach natin kahit 50 percent nung booster.”

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nagpaalala rin ang opisyal na sundin pa rin ang health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask dahil mababa pa ang vaccination coverage sa bansa hindi tulad sa Ibang lugar.

“Sa ibang mga lugar hindi na nga sila nagma- mask because napakataas ng vaccination coverage pero sa ngayon kasi tayo kailangan pa rin tayong mag- observe ng minimum public health protocols na yan kasi nga mababa pa yung coverage natin kahit yung paggamit ng mask although it’s optional, may tinatawag tayong inform choice kung sa tingin mo senior citizen ka kung sa tingin mo may sakit ka, o sa tingin mo nandun ka sa lugar na enclose kung sa tingin mo eh nandun ka sa high risk na lugar sa community magamit ka ng mask so yun yung tinatawag na inform choice.”