CAMARINES NORTE- Pumangalawa ang Camarines Norte sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID- 19 sa rehiyon noong nakaraang linggo.
Ayon sa lingguhang ulat ng Department of Health nasa 53 ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 sunod sa Camarines Sur na mayroong 76.
Walo sa labingdalawang bayan sa lalawigan ang nakapagtala ng bagong kaso.
Nakapagtala ang Daet ng 12, Labo 10, Paracale 8, Talisay at Vinzons 5, San Lorenzo Ruiz 4, Jose Panganiban 3, Basud at Capalonga 2, Mercedes at San Vicente 1.
Dahil dito sumampa na sa 4, 543 ang cumulative cases ng COVID- 19 sa lalawigan simula noong 2020.
Nasa 254 naman o 5. 59 percent ang nasawi habang 3, 978 o 87. 6 percent ang gumaling.
Nananatili namang nasa low risk ang Healthcare utilization rate sa lalawigan.
Sa 113 na inilaang Covid- 19 beds 33 dito ang nagamit o katumbas ng 29. 2 percent.
Ayon naman kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang mga patuloy na naitatalang kaso ng COVID- 19 ay nangangahulugang hindi pa tapos ang pandemya.
Kinakailangan pa rin aniya ang ibayong pag- iingat at higit sa lahat ay magpabakuna para maiwasan ang malalang pagkakasakit.
