78 milyong Pinoy target na mabakunahan kontra COVID- 19 sa nagpapatuloy na Pinaslakas campaign- DOH

CAMARINES NORTE- Target ng Department of Health na mabakunahan ang 78 milyong mga Pilipino kontra COVID- 19 sa nagpapatuloy na Pinaslakas Campaign ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary at National Vaccination Operation Center (NVOC) Incident Commander Dr. Nestor Santiago sa kaniyang pananalita sa bayan ng Mercedes nitong Lunes, December 5 sa unang araw ng National Vaccination Days na isa sa kaniyang binisita.

Ayon kay Usec Santiago 70 percent dapat ng 110 milyong pinoy ang mabakunahan para magkaroon ng proteksyon sa COVID- 19.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Pagdating naman sa senior citizen na isa sa tinututukan sa Pinaslakas campaign dapat umanong 90 percent ng mga ito ay bakunado ng kahit man lang dalawang dose.

Sa pagtatapos naman ng taon kailangang 50 porsiento ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster.

Isa din umano sa tinututukan ngayon ng DOH ay mabakunahan ang mga estudyanteng 5- 11 at ang mga 12 anyos pataas ay pwede nang magkaroon ng primary series at unang booster.

Mayroon din umanong tinatawag na “setting based approach” ang gobyerno kung saan pwedeng gawin ang pagbabakuna sa iba’t- ibang lugar tulad ng terminal, pantalan, simbahan at bahay- bahay na ginagawa na rin ngayon sa Camarines Norte.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mababatid na sa unang araw ng National Vaccination Days ay pinangunahan ni Usec Santiago ang Provincial Launching sa Camarines Norte na ginanap sa Provincial Capitol.

Pagkatapos nito ay nag- ikot sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan ang opisyal kasama sina DOH Regional Director Dr. Ernie Vera, Provincial DOH Officer Dr. Jocelyn Iraola, Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at iba pang health officials sa lalawigan.