DOH – Kauna-unahang COVID-19 Lambda variant infection sa Ph, local case

Kinumpirma ng Department of Health na ang unang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 sa bansa ay local case.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang 35-taong gulang na babae ay hindi returning overseas Filipino.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Dagdag ni Vergeire, ang pasyente ay buntis noong panahon na nagpositibo ito sa virus.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Sa ngayon, beneberipika ng DOH kung nanganak na ito, dahil ang kanyang expected delivery date ay noon pang katapusan ng Hulyo.

Magtutuloy-tuloy naman ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente, lalo’t natamaan ito ng Lambda variant. // MHEL PACIA-TRINIDAD