DOH, hindi inirerekomenda na ibalik ang mandatory facemask at social distancing

Hindi inirerekomenda ng Department of Health na magpatupad ng mandatory face mask at social distancing kasunod ng naitalang kaso ng mpox sa bansa.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Paliwanag ni Health Sec. Ted Herbosa, hindi naman katulad ng COVID-19 na airbone ang mpox na naipapasa sa pamamagitan ng close at intimate contact.

Naililipat ang mpox sa mga gamit o damit na mayroon nito pero madali naman aniya itong namamatay sa mga sabon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nirerekomenda ngayon DOH ang madalas na paghuhugas ng kamay at patuloy na panatiliin ang hygiene sa katawan.