COVID positivity rate sa NCR, tumaas sa 11.9% – OCTA

Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 11.9%, batay sa monitoring ng independent group OCTA Research.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, tumaas ang COVID-19 positivity rate sa NCR mula sa 9.4% noong November 23 sa 11.9% noong November 30.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga tao na nagpopositibo para sa COVID-19 mula sa kabuoang bilang ng mga indibidwal na sinuri.

Samantala, ang reproduction number naman sa NCR ay tumaas mula 1.11 noong November 21 sa 1.32 noong November 28.

Dagdag ng OCTA research fellow, na ang weekly new cases ay tumaas mula sa seven-day average na 264 noong November 24 sa 411 noong December 1, na may one-week growth rate na 56%.

Sinabi rin nito na tumaas ang average daily attack rate (ADAR) sa rehiyon sa 2.85 per 100,000 population. //MHEL PACIA