Bumaba na ang bilang ng mga active COVID-19 cases sa Pilipinas sa 60,000, matapos maitala ng Department of Health ang 8,193 na mga bagong recoveries.
Pero ayon sa DOH, naiulat ang mga bagong infection sa 6,846, habang 90 pa ang mga naidagdag sa bagong fatalities.
Dahil dito, sumipa pa ang nationwide tally sa mga kaso ng COVID-19 sa 1,108,826 as of May 10, kabilang na ang 59,897 active cases, 1,030,367 total recoveries, at 18,562 total death toll.
Matatandaan na huling naitala ang below 60,000-mark ng active cases ay noong March 16 sa 57,736.
Samantala, hindi naman nakasama sa bagong bilang ang datos mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos, on time. // MHEL PACIA