Umaasa ang Department of Health (DOH) Bicol na hindi na tataas pa ang bilang ng mgab nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon sa 2023.
Sa naging pahayag ni DOH Bicol Asst. Reg. Dir. Ferchito Avelino, sinabi nitong umaasa siyang hindi na mauulit pa tulad ng mga nakaraang taon nna biglang dumami ang mga kaso ng nasabing sakit.
Aniya, maging sa pagsalubong ng kapaskuhan ay hindi rin dapat dumami ang magpositibo rito.
Paalala pa rin ni Avelino sa mga Bicolano na mayroong pa ring COVID-19 at hindi pa tapos ang pandemya kahit nasa gitna ng pagdiriwang.
Dahil dito ay kinakailangan pa rin sundin at panatilihin ang minimum health standards.
Binigyang-diin din ng opisyal, maraming mga aktibidad ang inaasahan tulad ng Christmas party, caroling at iba pa kung saan maaaring magkahawaan ng anumang klase ng sakit.
Kung babalewalain umano ang health protocols ay maaaaring ang isa sa mga pamilya ay magdiriwang sa loob ng kwarto o sa ospital.