BRHMC, humihingi ng tulong para sa mga kakailanganin pagdating sa hospital waste disposal

Humihingi ngayon ng tulong ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) para sa mga kakailanganin tungkol sa wastong pagtatapon o pamamahala ng hospital wastes.

Ayon kay Dr. Eric Raborar, medical chief ng nasabing ospital, aabot sa labingwalong milyon ang kinakailangan nilang budget bawat taon para lamang sa pagdidispose ng hospital wastes.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang tugon naman ng DOH ay mayroon na silang sistema kung paano tutunawin ang mga basura sa mga ospital kaya lamang umano ay mayroong batas na sumasalungat dito.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ani Raborar, kinakailangang ayusin na muna ng naturang ahensya sapagkat ang BRHMC rin ang namomroblema.

Sa ngayon, ay umaasa sila na matutugunan ang nabanggit na problema sa nasabing ospital.