Binata, pinagsasaksak ng lasing na nainis umano sa pagbusina- patay!

Hustisya pa rin ang isinisigaw ngayon ng pamilya ng 23 anyos na binata na namatay matapos pagsasaksakin ng umano’y lasing na lalaki sa Poblacion, Taytay Palawan.

Nangyari ang pananaksak noong ika- 4 ng Disyembre 2022 sa Sitio Montivesta Poblacion bandang alas- sais ng hapon.

Ayon kay Waren Bernabe, nakababatang kapatid ng biktimang si Bryan Bernabe, sakay sila ng motorsiklo noong araw na iyon at bibili sana ng niyog sa tindahan nang makita nila ang pagiwang- giwang umano na suspek na si Stephen Abello Ignacio, 35 anyos.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Binusinahan daw nila ang suspek para umalis subalit sinundan sila nito sa tindahan at doon sila kinompronta sa kanilang pagbusina bago sila sinuntok at pinagsasaksak.

Nakaiwas umano si Waren Bernabe subalit ang kanyang kuya ay nagtamo ng tinatayang anim na saksak sa dibdib at likod.

Sinikap pa raw nitong maisalba ang sariling buhay nang sumakay sa tricycle pero dahil sa malubhang tama sa dibdib hindi na ito umabot sa pagamutan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Noong araw na iyon ay nahuli rin ang akusado at ngayo’y nakakulong na subalit hindi pa rin matanggap ng pamilya ang sinapit ng mahal sa buhay.

Binigyang diin ng pamilya sa Brigada na walang kagalit o kaaway si Bryan at ito anila ang breadwinner sa pamilya na nagtrabaho bilang  operator ng heavy equipment.