DOH-Bicol nilinaw na maaari pa ring makapag donate ng dugo ang mga indibidwal na bakunado kontra COVID-19

BNFM BICOL—Maaaring makapag donate ng dugo ang mga indibidwal na bakunado kontra COVID-19.

Iyan ang binigyang linaw ni Department of Health-Bicol Vaccine Program Coordinator – Dr. Monrey Mancilla sa isang panayam.

Ayon sa opisyal maaari pa ring maging blood donor ang isang tao kahit nabakunahan ito kontra COVID-19 basta’t walang nararamdamang anumang sintomas o adverse effect matapos na mabakunahan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Matatandaang una na ring inihayag ng Philippine Red Cross na ang lahat ng mga COVID vaccines na ginagamit ng bansa para sa vaccination program ay sertipikadong ligtas at nasuri ng FDA kung kaya’t wala umanong problema sakaling nais na maging blood donor ng isang vaccinated individual.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ganunpaman, pinapayuhan nito ang mga nakaranas ng “mild vaccine related symptoms” gaya ng pananakit ng braso o injection site na palipasin muna ang pitong araw matapos maturukan bago mag donate ng dugo.###