SORSOGON CITY – Bilang suporta sa Sorsogon City Veterenary Office nakapagtala ang Task Force SK3 ng mahigit 300 asong gala na nasilo nitong nakatalikod na linggo.
Ayon kay Arnel Anchinges head ng opisina malaking tulong ito sa LGU dahil sa dami ng asong gala na halos hindi nababawasan ang bilang sa kabila ng aktibong programa ng City Vet kung saan mas lalo pa nila itong pina- igting matapos ang ginawang RONDA Pilipinas 2022.
Kung babalikan, naging starting point muli ang lungsod ng Sorsogon sa ikalawang pagkakataon kung kayat nais nilang tiyakin na manilis at walang magiging problema ang kompetisyon mula sa mga asong gala na maaring makadisgrasya ng motorista.
Gayunman, sinabi ni City Vet Head Dr. Alexander Destura na hindi sila tumitigil sa kampanya kontra stray dogs na maliban sa paghuhuli, puspusan rin ang kanilang pakikipag dayalogo sa mga pet owners hinggil sa pagiging responsable sa kanilang mga alagang aso.
