DOH Bicol, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng bakuna at booster shots laban sa COVID-19

LEGAZPI CITY – Muling binigyang-diin ng Department of Health (DOH) Bicol ang tungkol sa kahalagahan ng mga bakuna at boosters shots laban sa COVID-19 kasunod ng biglaang pagtaas ng mga kaso nito kamakailan.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOH Bicol Regional Director, Ernie Vera, sinabi nito na nakakabahala ang katotohanang kahit isang beses lamang nagpabakuna, susceptible o madali pa rin itong kapitan ng nasabing sakit.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Aniya, nasa kabuuang apat na bilang ang mga bakuna, kung saan dalawang regular na bakuna, habang dalawa naman sa booster shots.

Sinabi niya, bumaba ang naging coverage ng pagbabakuna at boosters kasabay ng pagtaas ng mga kaso ng sakit.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Problema umano ito lalo na kung mayroong taong bibisita na exposed sa COVID-19, siguradong makakahawa.

Ayon pa kay Vera, maituturing na hamon sa lahat ng mga Bicolano ang pagkakaroon ng mababang COVID vaccination coverage rate, kaya hindi sila tumitigil sa kanilang panawagan na hindi pa natatapos ang pandemya at nariyan pa rin ang banta ng nasabing sakit kaya magpabakuna at magpa-booster na.