BNFM Bicol- Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na pahalagahan ang kidney ngayong ipinagdiriwang ang National Kidney Month.
Ayon sa kagawaran na sundin ang kanilang mga payo na magpakonsulta sa pinakamalapit na Primary Care Physician upang maagang matuklasan at magamot ang mga sintomas o komplikasyon sa ating bato.
Dagdag pa ng DOH na sundin ang kanilang ibinigay na 7 Healthy Habits para maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit gaya ng iwasan ang masasamang bisyo, magpalakas ng katawan at iba pa. ### Nico Merciales, Intern