Car-Free Sunday sa Maynila, magsisimula ng 7am sa June 23 para bigyang daan ang BINI fan run

Abiso sa mga nag-eehersisyo sa Maynila tuwing Linggo.

Paiigsiin ng lokal na pamahalaan ang oras ng Car-Free Sundays by the Bay sa Roxas Blvd sa Maynila sa darating na June 23.

Ito ay upang bigyang-daan ang Run Rio Gatorade Manila Marathon at BINI Fan Run.

Mula sa orihinal na alas singko hanggang alas nuebe ng umaga, magiging alas siyete hanggang alas nuebe ng umaga ang Car-Free Sundays.

Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na gagamitin lamang ang lungsod para sa event at wala silang koneksyon sa anumang bentahan ng ticket at merchandise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *