2 empleyado ng Lapu-Lapu City Hall – positibo sa drug test

Positibo sa paggamit ng illegal drugs ang dalawang empleyado ng City Clearing Team ng Lapu-lapu City Hall sa isinagawang drug test ng City of Lapu-Lapu Office for Substance Abuse Prevention (CLOSAP) noong Miyerkules.

Ang dalawang empleyado ay kabilang sa 26 na mga miyembro ng City Clearing Team na ipinatawag ni Mayor Jonard Chan sa nabanggit na araw para sa isang pagtitipon

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa nasabing meeting, agad na inutusan ni Chan ang CLOSAP na magsagawa ng suprise drug test at lumabas sa resulta na dalawa sa kanila ang positibo.

Ang naturang kautusan ng alkalde ng lungsod ay isinaagwa upang masiguro na ligtas ang lahat na mga kawani ng city hall sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at sa darating na mga araw, marami pang kawani ng lungsod ang nakatakdang isailalim sa drug testing.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kung maalala na noong mga nakaraang linggo, isang miyembro ng clearing team at isang barangay tanod ang umamin sa prosecutors na dalawang clearing team members ang mastermind sa pagpatay ng Executive Assistant for Market Operation sa Lapu-Lapu City noong Enero 2 kung saan ayon kay Mayor Chan na isa sa mga involved sa pagpatay ay isang regular drug user.