DOH aminadong tuloy ang pagbaba ng pagpapabakuna ng mga Pilipino

Kinumpirma ng Depatment of Health na tuluy-tuloy sa pagbaba ang bilang ng mga Pilipinong nagpapabakuna.

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mula pa nitong Enero ngayong taon ay pababa na ang immunization turnout sa bansa.

Naniniwala rin si Vergeire na ang ‘lack of public interest’ ang isang dahilan sa vaccine wastage sa bansa.

Umapela rin si Vergeire sa mga local goverment units na maging panauri sa pagbibigay ng 2nd booster dose.

Samantala, nakatakda namang i-anunsyo bukas, alas-dos ng hapon ang bagong alert level system para sa COVID-19 restrictions.
#