16 na pulis at dalawang opisyal sa hazing sa masbate, absuwelto

Dismayado ang pamilya ng hazing victim na si Pat Jaypee De Guzman Ramones sa ipinalabas na Resolution ng piskalya kung saan naabsuwelto ang 16 na pulis na una nang isinangkot kabilang ang dalawang opisyal ng 503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion Bicol na nakabase sa San Jacinto, Masbate.

Ayon sa Resolution ng Masbate Provl Prosecutor’s Office, wala umanong ebidensya na nagtuturo na ang mga pulis ay nasa mismong lugar kung saan nangyari ang insidente ng hazing.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Hindi rin nakasama ang dalawang opisyal na sina PMaj Escalante at PCpt Garcia dahil wala sa lugar ang dalawang opisyal  simula noong Hulyo 20-22 at hindi rin sapat ang ebidensya na nagtuturo na sila ang nag-utos sa hazing.

Samantala, pinakakasuhan ng piskalya ang limang pulis ng paglabag sa RA 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 na sina PCpl Mark Renz Dominguino, PCpl Adolf Noa Rojo, PCpl Gil Tuzon, PCpl Benjie Bailon at Pat. Joseph Verano Jr.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kung babalikan si Ramones, 32-anyos ay naiulat na hinimatay noong Hulyo 26 habang umano ay nagdya-jogging. Gayunpaman, nagreklamo ang pamilya ng biktima dahil nakitaan ang katawan nito ng mga pasa at sugat na pinaniniwalaang dumanas ng hazing o matinding pambubugbog mula sa mga kabaro.

Batay sa post-mortem report na inilabas ng medical officer sa ospital, ang sanhi ng kamatayan ng bagitong pulis ay  “cardiorespiratory arrest, deep vein thrombosis secondary to pulmonary embolism and multiple physical injuries secondary to blunt trauma.”