Umakyat na sa 17 ang kabuoang kaso ng BQ.1 omicron subvariant sa bansa.
Ito ay makaraang maitala ang isang bagong kaso nito sa Western Visayas.
Ayon sa pinakahuling sequencing ng University of the Philippines-Philippine Genome Center mula Nov. 28 hanggang Dec. 3, na-infect ang isang residente rito ng variant na inilalarawan bilang mas nakahahawa at immune-evasive.
Maliban pa rito, nakapagtala rin ng 64 na bagong kaso ng BA.2.3.20 subvariant; 42 na XBB; 2 XBC; 2 BA.5; at anim na iba pang sublineages ng omicron.
#