DoH adviser – walang pang dahilan para mag-lockdown

Wala pa ring nakikitang local transmission sa ngayon ang health officials sa bagong subvariant ng Omicron sa bansa.

Ito ay makaraang makumpirma ang dalawang local cases ng COVID-19 Omicron subvariant BA.2.12.1 sa Metro Manila – isang variant na mas nakahahawa sa pinanggalingan nitong BA.2.12.

Ayon kay infectious disease expert Edsel Salvaña, wala pa rin indikasyon na may local transmission na – ngunit kinakailangan pa ring maging maingat ng publiko.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Sa ngayon, wala pang nakikitang dahilan si Dr. Salvaña para irekumenda ang muling paghihigpit sa mga lockdown restrictions sa bansa.

Aniya, hindi na umaakyat pa ang bilang ng COVID-19 cases, at maayos pa ang sitwasyon ng health care facilities at ang capacity nito.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Kaugnay nito, naniniwala si OCTA research fellow Guido David na kuing magkaroon man ng panibagong surge na idudulot ng subvariant na ito – hindi na ito magiging ‘sing lala ng naranasang case spike noong Enero.

Samantala, wala pa ring nakiitang surge ang OCTA sa bilang ng COVID-19 cases sa gitna ng mga kabi-kabilang campaign rallies at mass gatherings na isinagawa noong campaign season.
#