DOH: 6 milyong doses ng pertussis vaccine, nakatakdang dumating sa Hulyo

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang anim na milyong doses ng pentavalent vaccine na maaaring magbigay proteksyon laban sa pertussis at iba pang sakit.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, ang 5-in-1 vaccine na ito ay maaaring ibigay sa mga batang anim na linggong gulang.

Bukod sa pertussis, ang pentavalent vaccine ay maaari din mag-bigay ng proteksyon mula sa diphtheria, tetanus, Hepatitis B at Haemophilus influenzae type B ang naturang gamot.

54 na katao ang namatay ngayong taon dahil sa pertussis. Karamihan sa mga ito ay mga batang wala pang limang taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *