Nagtala ang Department of Health ng 1,399 na mga bagong kaso ng COVID-19, at 215 na mga bagong fatalities para sa April 25 hanggang May 1 na datos.
Sa kanilang weekly bulletin, sinabi ng DOH na ang daily average sa naturang linggo ay nasa 200 kaso o halos 5% na mas mababa kumpara sa naunang linggo nito.
Mula naman sa 215 reported new deaths, 40 ang nangyari mula April 18 hanggang May, habang ang iba ay noon pang nakaraang mga buwan, kabilang pa ang noong September 2020, matapos na maberipika.

Sa gitna nito, ang non-intensive care unit (ICU) utilization rate ay nasa 16.3% o 3,998 mula sa 24,521 beds na ginagamit, habang 456 mula sa 2,830 ICU beds o halos 16.1% ang okupado. \
Sa ngayon, may 723 critical at severe cases ang nananatili sa mga ospital na 13.4% ng kabuoang COVID-19 admissions. //MHEL PACIA-TRINIDAD