SORSOGON CITY – Tinukoy ng PNP ang mga lugar sa lalawigan na napabilang sa election watch list kaugnay sa halalan sa buwan ng Mayo.
Sa Kapihan sa PIA, sinabi ng hepe ng Police Community Affairs Development (PCAD) PMaj Charles De Leon, kasama sa orange category ang mga bayan ng Castilla, Gubat, Irosin, Juban at Pilar.
Pasok naman sa red category ang lungsod ng Sorsogon at mga bayan ng Barcelona, Bulan, Bulusan at Matnog.
Samantala, wala namang lugar na napabilang sa yellow category habang kasama naman ang mga bayan ng Casiguran, Donsol, Magallanes, Pto Diaz at Sta Magdalena sa green category.

Paliwanag pa ni De Leon, ang mga lugar na nasa ilalim ng election watch list ay nahahati sa apat na color-coded categories kung saan ang Green ay ‘Areas with No Security Concern’ o generally peaceful ang sitwasyon sa mga nakalipas na halalan.
Ang Yellow ay ‘Election Areas of Concern’ o may napaulat na election-related incidents sa nakalipas na halalan at may matinding political rivalry.
Ang ibig sabihin naman ng Orange ay ‘Election Areas of Immediate Concern’ o may napaulat na presensiya ng mga rebelde gaya ng NPA.
Ang Red ay ‘Election Areas of Grave Concern,’ ito ay pinagsamang parameters ng yellow at orange.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na ‘all set’ na sila sa eleksyon at ang ang kanilang operasyon ay nakatutok sa pagsasagawa ng Comelec checkpoint, mga security patrol, at paghahanda sa seguridad upang matiyak na ang mga polling center, mga storage hub ng election paraphernalia at iba pang mga establisamiyento na gagamitin sa darating na halalan.