DepEd, mas pinaigting ang mga aralin laban sa vape sa bagong curriculum

Sa gitna ng naiulat na pagtaas ng vaping sa mga kabataan, mas pinalakas Department of Education (DepEd) ang mga aralin tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng tabako at mga produktong e-cigarrete o vape sa binagong curriculum ng k-10.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, bagamat kasama na ang control sa tabako at vape sa lumang curriculum, nais ng departamento na mas palawakin ang kamalayan ng mga kabataan sa panganib ng paggamit ng vape at tabako.

Dagdag pa niya, mas pinaiigting nila ito upang i-update ang mga uri ng produktong nasa merkado at gawing mas pamilyar ang mga kabataan sa mga bagong panganib na kaakibat ng paggamit ng produktong ito.

niya, ang mataas na antas ng nicotine content, atbp  ay mas magiging tampok sa bagong curriculum.

Nauna nang iniulat ng Health Promotion Bureau ng Department of Health na bumaba ang paggamit ng tabako sa Pilipinas sa nakalipas na sampung taon, ngunit tumaas ang paggamit ng vape, partikular sa mga kabataang nasa edad 13 hanggang 15. (Michaela Jane De Leon – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *