DOE: Serye ng oil price hike, magtatagal pa hanggang Disyembre

Asahan na raw ang pagsirit ng presyo ng petroleum product hindi lamang bukas kung hind sa mga susunod na buwan, ayon sa Department of Energy (DOE).

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Sa panayam ng Brigada News Fm kay Atty. Rino Abad, Director ng DOE Oil Industry Management Bureau, sinabi nito malaki talaga ang epekto ng pagbabawas ng Saudi at Russia sa kanilang supply ng petroleum products na magtatagal hanggang sa pagtatapos ng taon.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Nilinaw naman ni Abad, na bagaman may kakayanan ang pamahalaan na kontrolin ang supply ay mahihirapan ito dahil sa taas ng demand dagdag pa rito ang tumataas na production cut ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC+).