DOH: COVID active tally nasa 18,035 pa

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,009 na mga bagong kaso ng COVID-19 cases, dahilan para lalo pang sumipa ang nationwide caseload sa 4,051,754.

Sa latest data ng DOH, nabatid na ang active cases ay mayroon pang 18,035 sa kabuoan.

Sa gitna nito, tumaas ang bilang ng mga nakarekober mula sa naturang viral illness sa 3,968,775 habang ang death toll ay umakyat din sa 64,944.

Nananatili naman ang National Capital Region na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 5,727, sinundan ng Calabarzon sa 2,408; Central Luzon sa 1,1162; Cagayan Valley sa 732; at Western Visayas sa 726.

Ibinahagi rin ng ahensya na ang bed occupancy sa bansa ay nasa 23.8% pa, na may 6,620 beds occupied at 21,205 vacancies. //MHEL PACIA