PNP, iginagalang ang pag-veto ni PBBM sa PNP reform bill

Iginagalang ng Philippine National Police  ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas na nagsusulong ng reporma sa hanay ng Pulisya

Ayon sa PNP,  nauunawaan nila ang mga pangamba ng Punong Ehekutibo hinggil sa pagpapanatili ng patas at pagkakapantay-pantay sa kompensasyon ng mga Pulis.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Tinitiyak din ng PNP na kanilang ikukonsidera ang mga obserbasyon ng Pangulo at makikipagtulungan sa administrasyon gayundin sa Kongreso na bumalangkas ng mas angkop na batas na magpapapatatag sa hanay ng Pulisya sa halip na makasagabal

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Giit pa ng PNP, welcome para sa kanila ang anumang reporma na makapagpapaganda sa kanilang operasyon at magpapataas sa tiwala ng publiko.

Patuloy ding maninindigan ang PNP sa pagpapatupad ng batas, pananatilihin ang propesyunalismo sa kanilang hanay at tiwala silang makakamit ang mas epektibong reporma sa pamamagitan ng bukas at nagkakaisang hakbang.