DMW, tiniyak na kikilos para matulungan ang 800 Pinoy na stranded sa US military base sa Diego Garcia island

Siniguro ni Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople na mamamagitan sila para makauwi ang 800 Pinoy workers na stranded sa isang remote US military base sa Dieo Garcia island.

Sinabi ni Ople na mayroon kasing wage issue ngayon sa pagitan ng mga Pinoy workers at kanilang employer na KBR.

Nilinaw ni Ople na kaya stranded ang mga Pinoy worker ay dahil sa takot silang umuwi ng Pilipinas dahil posibleng hindi sila makabalik dahil hindi na papayagan ng POEA o kaya naman ay mismong employer ang magtanggal sa kanila sa trabaho.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay Ople, una na daw kasing nagbanta ang KBR na mag-resign na lang ang mga workers kung ipipilit ng mga ito na magbakasyon, bagay na kinontra ng DMW dahil bahagi ng labor right ang vacation leave.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag pa ni Ople na agad silang dudulog sa US government at sa US Navy kung saan naka-kontrata ang KBR para mamagitan kapag hindi tumugon sa kanilang pakiusap.

Napag-alamang magta-tatlong taon na ang kontrata ng mga Pinoy workers sa naturang isla.
#