DMW – tiniyak ang tulong sa 27 tripulanteng Pilipinong sakay ng Houthi-hit ship na pauwi ng bansa bukas

Nasasabik na raw na makabalik ng bansa ang mga Pilipinong tripulante na sakay ng inatakeng MV Transworld Navigator ng mga rebeldeng Houthi.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac – mare-repatriate at lalapag na sa Pilipinas ang kanilang eroplano bukas ng hapon.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ito ang unang batch, at masusundan pa sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, tiniyak ni Cacdac na mayroong naka-ready na tulong ang DMW at iba pang ahensya ng Gobyerno.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Muli namang ipinaalala ng Kalihim ang standing directive ng DMW na ipinagbabawal ang deployment ng mga Filipino seafarers sa mga barkong inatake na ng Houthi.