Grupo ng mga guro – tiniyak ang suporta sa magiging susunod na Education Secretary

Nanindigan ang Teachers’ Dignity Coalition na hindi talaga dapat isang pulitiko ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, muling nilatag nito ang criteria nila para sa susunod na DepEd secretary.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kasabay ng nalalapit na pag-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos sa magiging successor ni resigned DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte, binigyang-diin ni Basas na dapat mapakikinggan ng bagong kalihin ang sektor ng mga guro.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa huli, siniguro ng grupo na sino man ang italaga ng Pangulo para sa posisyon, bukas silang makipagtulungan dito para sa matugunan ang edukasyon sa bansa.