DMW Sec. Cacdac – tuloy lang sa trabaho sa kabila ng pagka-defer ng confirmation hearing ng CA kahapon

Ipapaubaya na raw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang kaniyang kapalaran sa Commission on Appointments.

Kung maaalala kasi – hindi natapos ang confirmation hearing ng CA kahapon para sa ad interim appointment ni Cacdac.

Si-nuspend ang pagdinig dahil marami pa raw katanungan ang mga miyembro ng makapangyarihang kumisyon na kinakatawan ng mga mambabatas mula Kamara at Senado.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Sabi ni Cacdac – nailatag naman niya nang maayos ang mga programa ng DMW.

Naniniwala rin siyang nasagot niya nang maayos at totoo ang mga katanungan ng mga CA members at mga oppositors.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa huli, tiniyak niyang tuloy pa rin ang kaniyang trabaho; at ‘di raw mapapatid ang kanilang mga trabaho para sa welfare ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sakali mang ‘di pa rin ma-approve ang kanyiang appointment, maaari pa rin siyang i-reappoint ni Pangulong Bongbong Marcos.