DMW – nakipag-ugnayan na sa manning agency ng 2 Pinoy nasawi sa Yemen

Nanawagan ang Department of Migrant Workers (DMW) na ipagpatuloy ang diplomatic efforts para ma-de-escalate ang tensyon sa Middle East, kasunod ng pag-atake ng Houthi sa Gulf of Aden.

Kinumpirma na ng DMW ang pagkamatay ng dalawang mga Filipino seafarers sa ginawang pagpapakalawala ng missles ng Houthi na tumama sa kanilang barko sa Yemen.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Sugatan din ang dalawa pang ibang mga Pilipino.

Umapela ang DMW – sa mga shipowners na sumunod sa expanded high risk areas designation policies para iwasan na ang mga rutang delikado para sa mga barko.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Sa ngayon, nakikipag-coordinate na ang DMW sa manning agency ng barko para sa repatriation ng mga natitira pang mga Pilipinong tripulante rito.