Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Apollo Quiboloy kundi comrade.
Ito ay matapos ang di umano’y pinagsamahan nila sa paglaban sa New People’s Army (NPA) noong panahon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kwento ni Padilla, sa tulong kase ng Sonshine Media Network International (SMNI) ay nagkaroon ng plataporma ang ilan niyang pelikula tulad ng Memoirs of a Teenage Rebel at Isang Linggong Pag-ibig sa West Philippine Sea na itinuturing niyang matagal nilang partnership laban sa komunista.
Dagdag pa niya, sa tulong ng SMNI ay nailabas ang mga datos na galing sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapakita ng bilang ng mga sumurrender sa gobyerno na siyang di umano mapapanood sa ibang channel.
Kaugnay nito, nanindigan si Padilla na hindi karapatdapat para sa kanyang mata na ipa-cite in contempt si Quiboloy na siyang tinitingala niyang bayani na lumaban sa komunista kasama niya.
Alinsunod nito, inaasahan at itinutulak ni Padilla na mapunta na lang ang kaso nito sa Korte imbis na sa Senado.