PAGASA, naglabas ng La Niña watch alert

Nagbabala ang PAGASA sa banta ng La Niña matapos ang epekto ng El Niño.

Sa isang press briefing, sinabi ni Pagasa Administrator Dr. Nathaniel Servando, itinaas na nila ang La Niña dahil mahigit 50% na mabubuo ito sa buwan ng Hunyo.

Read More:  Romualdez camp denies role in Guteza recantation

Pero mararanasan naman daw ang epekto nito bago matapos ang taon.

Ito naman ang panahon na magiging neutral na rin ang El Niño pagsapit ng Hunyo.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Kaya naman, posible ang bahagyang pagkaantala sa pagsisimula ng tag-ulan sa pinagsamang epekto ng umiiral na El Niño.

Samantala, iniulat din ng PAGASA na humina na ang El Niño ngayong Marso pero patuloy na mararanasan ang epekto nito sa mga susunod na buwan hanggang Mayo.