Posibleng hindi makalahok sa Wimbledon sa Hulyo si tennis star Novac Djokovic.
Ito’y matapos magtamo ng injury sa tuhod na dahilan para mag-withdraw ito sa French Open.
Nakatakda namang sumabak sa operasyon ang 24-time Grand Slam winner para maayos ang torn right meniscus nito.
Magsisimula ang Wimbledon sa July 1, kung saan pinagharian ito ni Djokovic ng loob ng pitong beses.