Hindi na pahihintulutan ng Philippine National Police ang pagbibigay ng police security sa mga very important persons o mga VIPs.
Ayon kay PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil , simula ng maupo siyang Chief PNP, kanya nang pinabago ang sistema pagdating sa pagbibigay security details ng Police Security and Protection Group o PSPG dahil nagagamit lamang ito sa pagmo-moonlighting ng ilang pulis.
Sabi ni Marbil, hindi trabaho ng pulis ang magbigay ng VIP protection kaninuman dahil tungkulin lamang nila ang magbigaynng protekayon sa mga taumabayan at sa mga mayroong matindjng banta sa kanilang buhay.
Bimigyang diin pa ng opisyal, na ang mga taong may mataas na level of threats ang nararapat lamang na bigyan ng seguridad ng PSPG.