District chief ng PDEA at dalawang agent arestado sa buy-bust ops sa Taguig City

Kalabaso ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District office at dalawang ahente nito sa isinagawang anti-illegal drug operation ng National Capital Region Police Office sa Taguig City.

Sa report ng NCRPO, kinilala ang mga naarestong suspek na sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, PDEA agents Anthony Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver na si Mark Wallo.

Naaresto ang apat na suspek sa mismong PDEA SDO headquarters matapos magpanggap ang isang police officer bilang poseur buyer.

Narekober mula sa mga ito ang three sachets ng white crystalline substances na tinatayang nasa ₱680,000; isang malaking plastic ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱8.5 million; at isang digital weighing scales.

Hawak ngayon ng NCRPO ang mga suspek habang hinahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito sa
Taguig City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *