NAGA CITY- Balik na sa distance learning modalities ngayong Lunes, Enero 31, 2022 ang mga pampublikong paaralang pang-Elementarya at Sekondarya sa Naga City.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Acting Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman. Mababatid na dalawang linggong walang blended learning sa lungsod dahil sa mabilis na pagsipa ng kaso ng COVID-19, walang pasok mula Enero 17 hanggang Enero 29. Mababatid na may mga guro at ibang school personnel na nag positibo o na expose sa COVID-positive.
Sa Camarines Sur National High School na nasa lungsod sinabi ni Dr. Sulpicio Alferez , Principal ng nasabing paaralan, 60% lamang sa mga guro ang pinapapasok , ang estudyante hindi pinapayagan. Kaya magulang o guardian ang kukuha at babalik ng module.
Para kay Alferez, ang dalawang linggo ay pagkakaton din sa mga guro upang makapagpahinga pisikal at mental.
Tuloy na rin ang aktibidad sa limitadong dadalo, halimbawa sa Naga Central School I, gugunitain sa Pebrero ang kabayanihan ng bicolanong bayaning si Jose Maria Panganiban.