Disposal ng mga nakumpiskang campaign mats sa Oplan Baklas, concern ngayon ng DPWH ayon sa COMELEC Legazpi

LEGAZPI CITY – Hindi pa matukoy sa ngayon kung papaano idi-dispose ang mga nakumpiskang election campaign posters at tarpaulins sa Operation Baklas ng COMELEC mula noong Oktubre 20 at ngayong 27 ayon sa COMELEC Legazpi.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Legazpi Election Officer Atty. Connie Del Castillo, sinabi niya na hindi na kasi ibabalik sa mga kandidato ang mga nakumpiskang campaign materials at nasa kustodiya ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Castillo, concern ng DPWH ang pag-dispose ng mga ito lalo pa’t hanggang sa ngayon pala ay nakatambak pa sa bodega ng ahensya ang mga nakumpiskang campaign posters noong nagdaang National and Local Elections 2022.

Mga plastic pa naman umano ang mga nakumpiskang materials kaya’t mahirap at problema ang pag-dispose nito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, nagpapatuloy ang COMELEC Legazpi sa pagsasagawa ng Oplan Baklas at ay umaasa sila na kaunti lang ang kanilang makukumpiska ngayon dahil mas pinahigpit ng komisyon ang kanilang mga hakbang para sa eleksyon.

Matatandaan, nag-umpisa ang Oplan Baklas noong Oktubre 20 kung saan ayon kay Del Castillo, sa buong lungsod ng Legazpi, umabot sa 31 ang mga nakumpiska nilang campaign materials