Disiplina sa oras, pinaalala ng PNP Camarines Sur kaugnay ng kaliwa’t-kanang JS Prom

CAMARINES SUR- Disiplinahin ang oras ng sarili kung dumadalo sa mga aktibidad ng paaralan lalo na ang JS Promenade upang maiwasan na may mapahamak.

Ito ang payo ng PNP Camarines Sur kaugnay ng kaliwa’t-kanang JS Prom na uso tuwing Pebrero. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCAPT. Marlon Lladoc , tagapagsalita ng CSPPO well coordinated naman ang mga aktibidad ng paaralan sa mga Municipal Police Station at sa mga barangay para sa seguridad ng mga dumadalo.

Hiling ng PNP sa mga kalahok, dapat alam ng mga magulang ang oras ng pag-uwi o pagtapos ng programa, huwag na rin didiretso pa sa kung saan kung alanganin na ang oras lalo na kung hindi na alam ng pamunuan ng paaralan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *