Direct cash grants – malaking tulong sa pagtatapos ng 4Ps beneficiaries

Kumbinsido si House Speaker Martin Romualdez na malaki ang kontribusyon ng pamamahagi ng ayuda ng gobyerno para sa edukasyon ng mga kabataang kabilang sa mahihirap na pamilya.

Ayon kay Romualdez, makikita sa pag-aaral ng World Bank na matibay ang ebidensyang epektibong pamamaraan ang direktang cash grants upang ibaba ang antas ng kahirapan sa populasyon.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Isang magandang halimbawa aniya ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kung saan maraming benepisiyaryo ang napabuti ang kalagayan at napagtapos ng kolehiyo ang mga anak.

Sa katunayan, binanggit ng House leader ang ulat ng Philippine Information Agency noong December 11 na tatlumpu’t isang kabataan na miyembro ng 4Ps families ang nakapagtapos sa kolehiyo at nakapasa sa licensure examinations.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kabilang sa criteria ng 4Ps na ang isang pamilyang nakatatanggap ng buwanang cash assistance ay dapat napapanatili sa paaralan ang mga bata.

Samantala, sinabi ni Romualdez na nakatutok ang Kamara sa pagtitiyak ng sapat na pondo kabilang ang kalahating trilyong piso sa 2024 para sa distribusyon ng ayuda.