Dimasalang pulis na nagpost sa kanilang fb page ng video na nag-uugnay kay VP Robredo sa NPA, nag ‘sorry’

SORSOGON CITY – Nag-sorry ang isang pulis na miyembro ng Dimasalang PNP matapos na batikusin ng netizens ang pinost nitong video sa kanilang facebook page, kung saan iniuugnay si Vice President at presidential candidate Leni Robredo sa makakaliwang grupong New People’s Army (NPA).

Sa ekslusibong panayam sa pulis ng Brigada News-Sorsogon, sinabi nito na hindi na niya nirepaso ang nilalaman ng video dahil mahina ang internet connection sa kanilang lugar.

Nai-post na niya umano ang nasabing video nang tumawag sa kanya ang pamunuan ng Masbate Police Prov’l Office at dito niya nalaman na binatikos ang nasabing post ng mga netizens at kinuwestyon ang pagiging partisan ng Pulisya sa pulitika.

Agad naman umano niyang dinelete ang kanyang post.

Nabatid na ang nasabing video ay mula sa presscon ng NTF-ELCAC kung saan nagsalita dito ang ilang former rebels na tinatalakay ang mga kandidatong pulitiko na tumatakbo ngayong halalan na nakikipag-alyansa sa CPP/NPA at hayagang sinabi ng mga ito na isa si Robredo dito dahil siya ang pinakahuling inendorso ng Makabayan block.

Nauna nang sinabi ng Commission on Election (COMELEC), batay sa Omnibus Election Code of the Phillipines,  ang Memodandum Circular No. 1; series of 2016 na kailangang manatiling non- partisan ang lahat ng empleyado at opisyal ng goberyo maliban sa Pangulo at mga gabinete nito pagdating sa usapin ng pamumulitika lalo na sa panahon ng pangangampanya at pag- iindorso ng isang kadidato.