Vinzons Pilot High School (VPHS) nakapagtala ng pinakaramaming panalo sa isinagawang regional science and technology fair 2021-2022

CAMARINES NORTE- Nagtala ng pinakamaraming panalo ang Vinzons Pilot High School sa naganap na Regional Science and Technology Fair 2021-2022 nitong June 15-16, 2022.

Dahilan ito upang ang 7 sa 10 mga events na mula sa nasabing paaralan ang kakatawan sa Bicol Region upang maging kalahok sa darating na National Competition.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Kabilang sa mga kategoryang napanalunan ng mga estudyante ay ang Siyensikula, #STEMtokPeriments, Likha (Life Science) team, Likha (Phy Science) team, likha (Robotics & IM) individual, likha (Robotics & IM) team, Likha (Mathematics & Computational Science) Individual.  

Ipinagmamalaki ng School Division Superintendent Nympha D. Guemo ang nasabing pagka-panalo ng mga mag-a-aral

Nagpapasalamat ang naturang opisyal sa katalinuhan ng mga mag-aaral kasabay ang pagbibigay ng payo sa mga ito na pagbutihin pa para sa darating na National Level

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang nasabing Science and Technology Fair ay isinasagawa upang ipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtugon sa mga problema ng komunidad para paunlarin at i-maximize ang potensyal ng mga estudyante sa pagiging malikhain.