DILG, tiniyak na magiging payapa ang Marcos inauguration

Muling tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año na 100% nang handa ang mga security forces para sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes.

Sa pulong-balitaan, sinabi ing Kalihim na all-systems-go na ang PNP at iba pang mga security agencies para sa ipatutupad nitong mga security measures sa naturang kaganapan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Aniya, makasisiguro ang publiko na magiging payapa ang oath-taking ni Marcos sa National Museum.

Activated na rin ang Task-Force Manila Shield para masigurong walang maitatalang mga untoward incidents.

Makatutuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at iba pang mga force multilpliers.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Matatandaang si Año ang namuno sa subcommitee on security, traffic, and communications ng inaugural event.

Bago ito, una nang sinabi ng PNP na hindi pahihintulutan ang mga raliyista sa National Museum ngunit papayagan ito sa mga napagkasunduang freedom parks kabilang na ang Liwasan Bonifacio.
#