Inaasahan umanong tumaas pa sa limangdaan ang maitatalang COVID-19 cases kada araw sa Metro Manila.
Kasunod ito ng ulat na umakyat na sa 5.9% ang positivity rate sa NCR nitong June 25.
Sa LagingHanda press briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na naitala ang one-week growth rate na 52% matapos ang 434 na new cases ng COVID nitong Lunes.
Mayroon na rin umanong 342 average daily cases sa nakalipas na pitong araw.
Sa kasalukuyan niya, hindi pa rin ito dapat ikabahala.
Bago ito, una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosairo Vergeire na kung pagbabasehan ang FASSTER, maaaring umakyat mula 3,800 hanggang 5,300 ang daily cases sa kalagitnaan ng Hulyo.
#